Abante Tonite Interactive

Dagdag na benepisyo sa mga health worker iginiit

0 910

Isinusulong ni Senador Leila de Lima ang panukala na magdaragdag ng benepisyo sa mga public health worker.

Sa kanyang Senate Bill 1793, nais ni De Lima na amyendahan ang Republic Act (RA) No. 7305 o Magna Carta of Public Health Workers upang matiyak na makatatanggap ang mga public health worker nang sapat na kompensasyon sa kanilang trabaho.

“With the myriad challenges faced by our health workers and the expanse of hardwork and sacrifice that they give, it is therefore imperative that reforms and regu­lations be made and adopted by amending and expanding R.A. No. 7305,” saad ni De Lima.

Binigyang-diin ni De Lima na ang mga health worker ay kabilang sa most underpaid professionals sa Pilipinas kaya karamihan sa mga ito ay lumilipat ng karera.

Sa datos, nasa 92,277 mga nurse ang umalis ng bansa si­mula noong 2012 o katumbas ng 19,000 na umaalis kada taon.
“With this alar­ming data, the Phi­lippines is left with an unfortunate reality of ha­ving a grossly disproportionate and ina­dequate number of health workers in the country, thus resul­ting to an inadequate health care system,” giit ng senador.

Sa ilalim ng proposed ‘Expanded Magna Carta of Public Health Workers Act of 2018’, lahat ng mga health worker ay bibigyan ng karagdagang benepisyo sa ilalim ng Public Health Worker Emergency Compensation.

Bibigyan ang mga ito ng 100 percent ng kanyang monthly salary sa panahon ng insidente tulad ng permanent total disability o kamatayan habang naka-duty.

Sakop nito ang mga public health worker sa mga ospital, sanita­ria, rural health centers, infirmaries, barangay health stations, clinics at iba pang health-related establishments.