Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dagdag na COVID testing center binuksan sa Maynila

0 290

Isa pang libreng walk-in testing center ang binuksan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center kahapon.

Ito na ang ikalimang COVID-19 testing center na sa lungsod. Maaga pa lamang ay mahaba na ang pila ng mga taong gustong magpa-test para sa COVID-19.

Bukas ang mga testing center sa lungsod mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon. Una nang nanawagan ng donasyon si Moreno para sa patuloy na operasyon ng mga testing centers. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.