Abante Tonite Interactive

Dagdag na mga guidance counselor sa school hirit kontra bullying

296

Hinikayat ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education na bigyang prayoridad ang pagkuha ng mga guidance counselors sa elementary at high schools kontra bullying at maprotektahan ang mga biktima nito.

Ito ay batay sa report na 22,000 ang kaso ng bullying noong School Year 2016 hanggang 2017.

“While the 22,059 cases in SY 2016 to 2017 is a significant decrease from the 32,129 of SY 2015 to 2016, I was shocked that the number of bullying cases was that high. Obviously, there is a large room for improvement in terms of support for the mental well-being of our students and teachers,” saad ni Gatchalian.

Iginiit ng s­enador na dapat matiyak ng gobyerno na ligtas ang mga estudyante sa mga paaralan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng guidance counselors.

Dapat anyang masuportahan ang mga biktima ng bullying at maging ang mga mismong bully.

“We need to correct the behavior and of course, our guidance counselors are better equipped in handling that aspect,” diin pa nito.

Ikinukunsidera ng senador na amyendahan ang Republic Act No. 9258 o ang Gui-dance and Counseling Act of 2004 upang makapag-hire ang Department of Education ng marami pang guidance counselors sa mga paaralan.(Dang Samson-Garcia)