Abante Tonite Interactive

Dagdag na P1B pautang sa mga magsasaka ng palay

240

Dinagdagan ng Agricultu­ral Credit Policy Council ng P1 bil­yon ang programa nitong pautang para sa mga nagsasaka ng palay.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, P2.5 bilyon na ang nakalaang pautang sa mga magsasaka ng palay sa ilalim ng Expanded Survival Reco­very Assistance o SURE-aid program ng ACPC sa ilalim ng Department of Agriculture.

Sa ilalim nito, makakautang ang magsasaka na isang hektarya pababa ang palayang sinasaka ng P30,000 ng walang kolateral o interes at babayaran sa loob ng walong taon.

Ayon kay Dar, 170,000 na magsasaka ang kayang pauta­ngin sa nakalaang pondo ngunit naghahanap pa sila ng pera dahil 600,000 ang magsasakang nais nilang maabot nito.

Sa ngayon, nilalangaw pa ang pautang dahil 1,048 pa lang na magsasaka ang kumagat nito.

Ang karagdagang P1.5 bil­yon para sa SURE-aid ay ina­prubahan ng ACPC sa pulong nito nu’ng Setyembre 12. (Eileen Mencias)