Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dagdag na ventilator hirit ng CDO

0 71

Umapela si Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa Department of Health (DOH) na magpadala ng 24 ventilator sa mga ospital sa Cagayan de Oro City kung saan patuloy na tumataas ang bilang ng mga nahahawa ng COVID-19.

Sumulat siya kay DOH Secretary Francisco Duque III noong Lunes matapos umakyat sa 10,107 ang mga kaso ng coronavirus sa siyudad. Maaari aniyang kunin ang mga ventilator sa 63 units ng DOH na naka-standby.

SM food to go Banner Ad

Hiniling ni Rodriguez na ipadala ang mga ventilator sa Northern Mindanao Medical Center, J. R. Borja General Hospital, Maria Reyna – Xavier University Hospital, Capitol University Medical Center, Cagayan de Oro Polymedic Medical Plaza, Cagayan de Oro Medical Center/Oncology Cancer, at Madonna and Child Hospital.

“The hospitals in the city are still seeing an influx of COVID-19 patients, with some forced to wait in line for vacancy. The healthcare utilization rate is at 74.56 percent.” (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.