Abante Tonite Interactive

Dagdag piso pasahe sa Region 1 konting kembot na lang

143

May posibilidad na sa susunod na quarter ng taon ay ipapatupad na ang karagdagang P1.00 pamasahe sa jeep sa Region 1, ayon sa Land Transportation Franchising & Regulatory Board-Region 1 (LTFRB-R1).

Ayon kay LTFRB-R1 director Nasrudin Talipasan, inaasahan na magiging P9 pesos na ang minimum fare sa Region 1 sa mga pampublikong jeep.

Sinabi ng kalihim, inaantay na lamang ang desisyon ng LTFRB Central Office sa National Capital Region kaugnay ng taas-pasahe.

Aniya, marapat lamang ang fare increase dahil sa tumataas na rin ang presyo ng ilang bilihin sa rehiyon. ­(Allan Bergonia)