Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dagdag pondo sa COVID bakuna nasa kamay ng Kongreso

0 92

Suportado ng Malacañang ang posisyon ng ilang mambabatas na dagdagan ang P2.5 bilyong inilaan ng gobyerno para sa pagbili ng COVID-19 bakuna sa sandaling mayroon ng maaaring magamit para sa proteksyon ng mga Pilipino.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakasalalay sa Kongreso kung gusto nilang dagdagan ang pondo dahil sinabi naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na maghahanap pa ito ng pambili ng bakuna para sa lahat ng mga Pilipino.

Kailangan lamang aniya ay mag-usap ang Kongreso at Ehekutibo para malinawan kung saan kukunin ang dagdag na pondo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“The power of purse is vested in Congress. We will bow to the wisdom of Congress should they deem it fit to increase the budget for the vaccine, and of course may pagkukuhanan po,” ani Roque.

Kaisa aniya ng Kongreso ang Malacañang sa hangaring magkaroon ng sapat na pondo para mabili ang lahat ng bakunang ibibigay sa mga Pilipino.

“We join Congress in our desire that we should have sufficient funds to pay for the vaccine, which according to Ambassador Chito Sta. Romana is really forthcoming in the future,” ani Roque.

Nauna rito ay inihayag ni Pangulong Duterte na mayroon nang nakatabing P2.5 bilyon ang gobyerno para ipambili ng bakuna laban sa COVID-19 at naghahanap pa ito ng dagdag na pondo para lahat ng mga Pilipino ay mabakunahan laban sa mabagsik na virus.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.