Abante Tonite Interactive

Dagdag-pondo sa opensiba hihingin sa Kamara

By
5

Dahil mahaba pa ang ilulunsad na opensiba sa Mindanao, sinabi ni Medialdea na hihingi ang Malacañang ng supplemental budget sa Kamara para pondohan ang operasyon ng AFP laban sa mga terorista na may kaugnayan sa ISIS.

Dinipensahan din si Medialdea ang pagkuwestiyon ni Senate Mino­rity Leader Franklin Drilon kung bakit palalawigin ang Martial Law gayong 60 days lamang ang itinatakda ng Saligang Batas.

Ani Medialdea, mas praktikal kung mas mahaba ang pagpapairal sa batas militar para may sapat na panahon para puksain ang rebelyon.

“I think it would be better if we ask for a longer period than for shorter period and then we cannot deliver a promise then ask again for an extension which can no longer be done, I think it’s more practical to ask for an extension now until December,” giit ni Medialdea.