Abante Tonite Interactive

Dagdag pondo vs. COVID-19: P50B utang ng POGO singilin

0 405

Pinahahabol ni Surgao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang nasa 60 offshore gaming hubs na nasa ilalim ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) para masingil ang P50-bilyong utang sa buwis na maaaring magamit ng gobyerno sa pagsugpo sa COVID-19 virus.

Ayon kay Barbers, kailangang habulin ng PAGCOR ang mga nakarehistrong POGO operators para mabayaranang bilyong pagkakautang sa buwis .

“There is no more need for Congress to enact laws and for the government to secure loans to fight the virus,” sabi ni Barbers.

Aniya, kailangan na kailangan ngayon ng Department of Health (DOH), mga private at government hospital ng karagdagang pondo para makabili ng mga medical protective gear, testing kit upang mapigil ang pagkalat ng virus sa bansa .

Nauna nang sinabi PAGCOR chair Andrea Domingo na nag-donate ng P150 milyon ang POGO sa pamahalaan para matigil ang paglaganap ng coronavirus .

Sa kabila nito, kailangan pa rin habulin ang pagkakautang ng mga POGO sa gobyerno. “ “Now is the perfect timing for them to pay their taxes. And that’s P50 billion. Let us not be fooled by a fox in a sheep’s clothing,” sabi pa nito.

Inamin mismo sa Senate hearing noong February 10 ni Atty. Sixto Dy, Jr. ng Bureau of Internal Revenue’s (BIR) Office of the Deputy Commissioner for Operations na majority sa 60 lisensiyadong POGO ang hindi nakakabayad ng halos P50 bilyong withholding income at franchise taxes noong 2019.

“Aside from non-payment of billions of pesos in taxes, these POGOs still do not erase the social ills brought about by their presence here in our country,” dagdag ni Barbers . (JC Cahinhinan)