Abante Tonite Interactive

Dagdag presyo sa langis nakaamba

By
176

May nakaamba na naman na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo dahil umano sa pagtaas ng halaga ng diesel at gaso­lina sa unang tatlong araw ng kalakalan ng la­ngis sa pandaigdigang pamilihan.

Bukod pa ito sa inaa­sahang pagpapatupad ng karagdadagang P2 kada lito sa mga produktong petrolyo na nakapaloob sa second tranche ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ngayong taon.

Sa pinakahuling pagtaya ng Department of E­nergy, naglalaro sa P1.80 kada litro ang itinaas ng imported na diesel habang P1.20 naman sa ga­solina sa pandaigdigang pamilhan.

Gayunman, posibleng mabago pa ito kung mababawasan o madaragdagan pa ang presyuhan ng langis sa world market.