Abante Tonite Interactive

Dagdag presyo sa LPG ipinatupad

298

Simula ngayon araw (Disyembre 1) ay may dagdag na presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) na ipinatupad ng ilang kumpanya ng langis sa bansa.

Pinangunahan ng Petron Corporation ang pagpapatupad ng pagtaas ng P0.25 kada kilo sa presyon ng kanilang Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P2.75 na dagdag presyo sa bawat 11 kilogram na tangke nito na epektibo kaninang alas-12:01 nang hatinggabi (Nobtembre 1).

Bukod dito, tinaasan din ang kanilang Xtend Auto-LPG ng P0.15 kada litro na karamihan ay ginagamit ng mga taxi.

Aasahan naman ang pagsunod ng iba pang kumpanya langis tulad ng Solane sa kaparehong dagdag-presyo sa LPG at Auto-LPG kahit hindi pa nagla­labas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong price hike ay bunsod ng pagtaas ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Tuwing unang araw ng buwan, ang may paggalaw sa presyo ng LPG pina­tutupad ng mga kompanyang langis sa bansa. (Armida Rico)