Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dagdag public transpo sa GCQ pinag-aaralan ng IATF

0 289

Ikinukunsidera ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang hirit na dagdagan ng hanggang 70% ang mga pampublikong sasakyan na bumibiyahe sa mga lugar na idineklarang general community quarantine (GCQ) para makasabay sa 100% na pagbubukas ng mga negosyo.

“Pinag-iisipan po talaga `yan ng IATF dahil alam natin na ang tanging paraan para makaahon sa kahirapan ay ang pagbubukas ng ekonomiya,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang kailangan lamang aniya ay ibayong pag-iingat para makapaghanapbuhay kaya mahalagang sundin at isapuso ang pagsunod sa mga health protocols dahil wala pang bakuna laban sa COVID-19.

Ipinahayag ito ni Roque matapos imungkahi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na dagdagan ng hanggang 70% ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan sa mga lugar na GCQ para hindi mahirapan ang mga manggagawa sa kanilang pagpasok lalo na kung 100% na ang pagbubukas ng mga trabaho sa pribadong sektor.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.