Abante Tonite Interactive

Dagdag-pulis para iwas-rape

9

Dapat nang itaas sa pambansang ­prayoridad ang laban kontra karaha­san sa kababaihan sinu­man ang manalong Pa­ngulo sa eleksyon nga­yong Mayo, ayon kay Senate President Pro-Tempore Ralph Recto.

At para manalo sa labang ito, sinabi ni ­Recto na kailangang kumilos agad ang susunod na Pa­ngulo at punuan ang 23,820 bakanteng posisyon sa Phi­lippine National Police (PNP). “Kung mapu­punuan ang mga bakanteng posisyon na ito, mada­dagdagan ng 12 bagong pulis kada munisipyo at 41 pulis naman kada siyudad sa buong bansa,” ani Recto.

“Bawat pulis na maida­dagdag natin para mag­patrulya sa mga komunidad ay nangangahulugan ng kabawasan sa mga kaso ng panggagahasa at iba pang krimen laban sa kababaihan,” dagdag pa ng senador.

Ayon kay Recto, bagama’t napondohan ng Kongreso ang plantilla para sa 174,410 posisyon sa PNP, tanging 150,590 lamang ang napupunuan dito hanggang sa ­ngayon. “Malaking bagay ang dagdag na pulis. Lahat ng bayan at siyudad sa Pili­pinas nagrereklamo na kulang sila sa pulis,” aniya.

Sa pagtaya ng Commission on Population, aabot sa 104 milyon ang kabuuang bilang ng mga Pilipino ngayong taon. (Dindo Matining)