Abante Tonite Interactive

Dagdag puwersa ng military hiniling sa Lanao del Norte

By
7

Umapela kahapon kay Pangulong Rodrigo Duterte si Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo na madagdagan ng tropang militar ang lalawigan kasunod ng anunsyong isusulong na ng administrasyon ang agarang pagpasa sa Bangsa­moro Basic Law.

Ang dagdag pwersa ng militar sa Lanao ay upang hindi na umano maulit ang insidente noong 2008 kung saan nagkaroon ng pag-atake sa Lanao del Norte ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) nang mabigong maipasa ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain na nilagdaan sa pagitan nito at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2008.

Una nang humingi ng saklolo sa Kamara si Dimaporo, sa inihaing resolusyon iginiit nito na atasan ang AFP na maglagay ng 5 batalyon ng sundalo sa Lanao del Norte.