Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dagdag quarantine facility sa Maynila binuksan

0 347

Pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbubukas sa bagong quarantine facility ng lungsod kahapon.

Ito na ang ika-15 isolation area para sa paglaban kontra sa pagkalat ng COVID-19 ang binuksan sa lungsod, ayon kay Mayor Isko Moreno. Aniya, “Sa Maynila, maraming mahihirap na komunidad at maliliit ang bahay so if there will be infection, most likely mabilis itong gugulong.”

Ang quarantine facility sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ay may 66 kama, at electric fan kada cubicle at may 16 airconditioning unit. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.