Abante Tonite Interactive

Dagdag sahod sa mga guro ibibigay na

By
255

Sa kabila ng paggamit ng reenacted budget ngayong 2019, makakaasa ang mga pampublikong guro ng salary increase ngayong taon.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Education Secretary Leonor Briones sa groundbreaking ng Gen. Gregorio del Pilar National High School sa Barangay Sta.Ana, Bulakan, Bulacan ngayong gabi.

Sinabi ng Pangulo na maglalaan siya ng isang araw para makipagpulong kay Briones at sa mga guro para pag-usapan ang pagtataas sa kanilang sahod.

Abante Hiring – IT dep

Handa ang Pangulo na gumawa ng kasunduan sa mga guro para madagdagan ang kanilang take-home pay.

“I am willing to strike a deal in the presence of secretary Briones sa mga maestra. You can choose the date January, then we can make a even an agreement or manifesto. Kayo ang isusunod ko this year,” anang Pangulo.
Ikinatuwa ng mga guro ang anunsiyo ng Pangulo at pinalakpakan ito nang husto.

Sinabi ng Pangulo na kinausap na niya si Budget Secretary Benjamin Diokno at inalam ang takbo ng pondo ng gobyerno