Abante Tonite Interactive

Dagdag-singil ng Uber, ipinatitigil

By
3

Ipinatitigil na ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) dagdag-singil na ipinapataw ng Uber sa mga pasahero nito.

Sa kanilang abiso, inatasan ng LTFRB ang Uber na ihinto ang karagdagang bayad na hinihingi sa mga pasahero na nagtutungo­ sa Katimuguang bahagi ng Metro Manila at dumadaan sa mga toll gate.

Sa halip, sinabihan ng LTFRB ang Uber na maghain ng kanilang position paper sa isyu ng surcharge para maisailalim sa deliberasyon ng ahensya.

Noong Disyembre 7, 2015, nagsimulang nagpatupad ng surcharge ang Uber sa kanilang mga pa­sahero. Partikular na apek­tado ang mga pasahero na magpapadaan sa entry at exit points sa Skyway.

Aabot sa P80 na dagdag ang ipinataw ng Uber sa mga pasaherong papasok sa Skyway, Magallanes at C-5 entry points at lalabas sa Bicutan at Sucat. Habang P100 naman ang dagdag kung ang labas ay sa Alabang, Filinvest at Susana Heights.

Nakasaad pa sa abiso ng Uber na ang surcharge ay idaragdag sa fare at toll fees na babayaran ng pasahero.