Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dagdag-singil sa ATM kontra manggagawa

0 51

Nanindigan ang isang grupo ng mga manggagawa laban sa pagtataas ng singil para sa mga nagwi-withdraw ng pera sa mga bangko gamit ang automated teller machine o ATM.

Sa isang pahayag, iginiit ng Defend Jobs Philippines sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na huwag payagan ang aplikasyon ng mga bangko para sa fee adjustment sa balance inquiry at cash withdrawal services.

Hiling ng grupo sa BSP na iprayoridad ang mga katulad nilang manggagawa na umaasa ngayon sa libreng serbisyo ng mga bangko lalo pa nang magtaasan ang presyo ng pagkain sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Christian Lloyd Magsoy, tagapagsalita ng grupo, dagdag na pahirap sa bulsa ng mga manggagawa at kabawasan pa sa kanilang maliit na kinikita ang pagtataas ng singil sa mga transaksyon sa ATM.

Nauna nang inihayag na simula Abril 7 ipatutupad ang dagdag singil sa interbank ATM transaction na nasa P10 hanggang P18 ang halaga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.