Abante Tonite Interactive

DAGDAG-SINGIL SA TUBIG AT KURYENTE, NGAYONG ABRIL!

By
12

Mapapa-aray ang publiko sa nakaambang taas-singil sa tubig at kuryente ngayong Abril.

Inanunsyo ng Manila Electric Co. (Meralco) na tataas ang singil sa kuryente dahil maraming planta ang magsasarado para sa maintenance shutdown sa kabila ng mataas na demand sa kuryente ngayong summer season.

Ayon kay Lawrence Fernandez, senior vice president ng Meralco, hindi lalagpas sa piso ang posibleng dagdag-singil sa kada kilowatthour (kWh) na konsumo sa kuryente.

Resulta ito ng 20-day shutdown ng Malampaya Gas Facility kung saan unang inanunsyo ang aprubadong fuel cost recovery na P 0.66 per kWh noong Marso.

Base naman sa insight ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), tataas ang singil sa tubig simula sa April 22 dahil sa patuloy na paghina ng piso kontra dolyar.

Nakatakdang ianunsyo ng MWSS ang halaga ng dagdag-singil sa per cubic meter na konsumo sa tubig sa mga susunod na araw.