Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dagdag walk-in COVID lab sa Maynila binuksan

0 66

Mapapakinabangan na ng publiko ang ika-limang walk-in COVID-19 testing center na binuksan kahapon sa pangunguna ni Manila Mayor Isko Moreno sa Ospital ng Tondo.

Ayon sa alkalde ang nabanggit na testing facility ay may kakayahang mag-accommodate ng may 100 katao kada araw at bukas mula Lunes hanggang Biyernes, simula alas-sais ng umaga. Dagdag nito, ang mga walk-in testing center sa lungsod ay libre, hindi lamang para sa mga Manilenyo, kundi para sa lahat ng mga mamamayan.

Maging ang mga miyembro ng media at kanilang mga crew ay maaaring magpa-test nang libre. Layunin aniya nito na ipakita ang inclusive approach na ginagamit ng lokal na pamahalaan para labanan ang pandemya sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.