Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dagdagan ang 2021 budget ng DOH, DSWD

0 211

Budget season ngayon sa Kongreso kung saan tinatakay, hinihimay, binubusi ng mga mambabatas ang panukalang pondo ng bawat ahensiya ng gobyerno para sa taong 2021.

Sa mga budget deliberasyon sa Senado, nalaman na binawasan ang panukalang pondo ng Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa susunod na taon.

Ang total budget ng DOH para sa 2020, kabilang ang dagdag ng appropriation mula sa Bayanihan 1 and 1 ay P180 bilyon subalit binawasa ito at naging P132 billyon sa National Expenditure Program (NEP).

Kung iisipin mo, parang hindi tama na tapyasin ang pondo ng DOH dahil posibleng makaapekto ito sa abilidad ng gobyerno na masugpo ang COVID-19 pandemic.

Ang DSWD naman, 53 porsiyento ang cut sa kanilang alokasyon. Mula sa kasalukuyang P366 bilyon, inirekomenda ng Department of Budget and Management (DBM) na gawin na lang itong P172 bilyon para sa 2021.

Ang DOH at ang DSWD ay pang-lima at pang-anim sa listahan ng mga may pinakamataas ng alokasyon para sa susunod na taon. Nanguna ang DepEd, (P754.4B) na sinundan ng Department of Public Works and Highway (P667.3B), DILG (P246.1B) at DND (P209.1B)

Hindi naman natin sinasabing hindi kailangan ng malaking pondo ng DND, DPWH o DILG. Ang ganang akin ay dapat bigyan ng prayoridad ang pondo ng DOH at DSWD kahit sa 2021 dahil kailangang-kailangan nila yan para matugunan ang pandemya.

Paano nga naman makakatugon ang gobyerno sa pandemya kung kulang ang pondo kaya kaya kailangan talagang dagdagan yan.

Maraming namang paggamitin ‘yan pondo ng dalawang ahensiya sa panahon ng krisis. I-aadress ang kalagayan ng mahihirap at siyempre dapat isama ang special amelioration program (SAP) sa susunod na taon.

Sabi nga ni Senador Franklin Drilon kung tuuusin daw ay kulang ang P4.5 trilyong national budget sa 2021 dahil wala daw SAP o yung tinatawag nating ayuda.

Sa tingin ko naman dapat pa ring magbigay ng SAP sa mamamaya dahil patuloy pa rin ang krisis. Kung paglalaanan sila ng ayuda, aba’y malaking relief ito sa kanila lalo na iy9ng mga nawala ng trabaho at kabuhay dahil sa pandemya.

Kaya nadismaya ang ilan nang marinig mula sa DSWD na P10 bilyon silang ‘savings’ mula sa SAP funds. Ito iyong unused budget na bahagi ng pondo ng SAP mula sa Bayanihan 1.

Plano ng DSWD na ibalik sa national treasury ang pondo pero giit naman ng mga mambabatas bakit hindi na lang ipamahagi sa mamamayan. Hindi naman natin tiyak kung nakatanggap ba ang lahat ng SAP na iyan.

Mas maganda nga siguro, iyang unused funds na ay gawin na lang Christmas ‘ayuda’ at ipamahagi sa mga mahihirap nating mga kababayan. Ilang buwan na lang at malapit na Pasko kaya kung mabibiyaan sila niyan tiyak na may maihahanda na sila sa kanilang hapag kainan.

Nauna nang sinabi ng DSWD na plano nilang gamiting pang-livelihood assistance ang P10B unused funds. Pero mas mainam na ipamahagi na ang pondong yan sa mahihirap kasi yan ang kailangan nila ngayon. Ang livelihood assistance naman kayang gawin ng ibang ahensiya.

Sabagay, hindi pa naman pinal ang pondo ng DOH at DSWD. Maari pang mabago yan at ngangako naman ang mga senador na dadagdagan nila ang pondo ng dalawang ahensiya na higit na nangangailangan ng pondo bilang pangtugon sa panahon ng pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.