Abante Tonite Interactive

Dagdagan ang bituin sa bandila ng ‘Pinas hirit ni Tolentino!

341

Nag-trending ang panukala ni Senador-elect Francis Tolentino na dagdagan ang bituin sa watawat ng Pilipinas na sa kasalukuyan ay maroon lamang tatlong butuin na sumisimbolo sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sinabi nito ng senador sa kanyang mensahe sa ika-121 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan kung saan ang pang-apat na butuin ay sisimbolo umano sa Benham Rise.

“I propose a fourth star to the Philippine flag. A fourth star to reflect the Benham Rise, the future Philippines, the future land of the next generation of Filipinos,” ayon kay Tolentino.

Abante Hiring – IT dep

Bilang reaksyon, isang expert ang nagsabi na , masisira umano ng pagbabago ang konteksto ng kasaysayan ng bandila ng Pilipinas.

Umani rin ng maraming reaksyon sa netizens ang panukala.

May nagsabi na maraming problema ang bansa kaysa atupagin ang pagdagdagdag ng bituin sa watawat. Sakaling matuloy, magiging kamukha din umano umano ng bandila ng China ang Pilipinas na may limang bituin.