Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dagdagan mga barko sa West PH Sea – Lacson

0 40

Sa halip na tanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, mas mabuting ayusin na lang ito at dagdagan pa ang mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS), ayon kay Senador Panfilo `Ping’ Lacson.

Ginawa ng Partido Reporma presidential bet ang pahayag kasabay ng kanyang pagtutol sa sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Zhao Lijian na kailangang sundin ng Pilipinas ang “kasunduan” umano na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“I don’t think there was an agreement. I could not imagine the Philippine government, much less the Department of Foreign Affairs, na papasok sa kasunduan na tatanggalin natin ang BRP Sierra Madre,” sabi ni Lacson.

Aniya, mas kailangan pa ngang ayusin at dagdagan ang mga barko ng Pilipinas sa lugar. Ang BRP Sierra Madre ay isang grounded vessel na nagsisilbing outpost ng Philippine Navy sa WPS.

“Dapat huwag natin bayaang iusog. Kung kakayanin lagay tayo ng isang barko doon na functioning,” ani Lacson.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa seandor, hindi ito ang unang beses na nanghimasok ang China sa teritoryo ng Pilipinas at exclusive economic zone sa WPS.

Noon pang 1995, inangkin din ng China ang Panganiban (Mischief) Reef. Sinundan ito ng sigalot sa Panatag Shoal noong 2012.

Samantala, inihayag ni Lacson na hinahanda niya ang isang resolution para ipahayag ang sentimiyento ng Senado na nagkukundena sa mga nakaraang aksyon ng China sa WPS.

Hiniling din ni Lacson na maging co-author siya ng panukala ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III na Senate Bill No. 2289 o An Act Declaring the Maritime Zones under the Jurisdiction of the Republic of the Philippines.

Sa naturang panukala, malayang maipapakita ng Pilipinas ang soberanya nito sa katubigan, archipelagic waters at territorial sea at airspace, pati na rin ang seabed at subsoil alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea at iba pang umiiral na batas at tratado. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.