Abante Tonite Interactive

Dagsa nakiramay sa pagkamatay ni Cameron Boyce

411

Nagluluksa ang buong Hollywood community sa biglaang pagpanaw ng African American at Jewish, Disney Channel star na si Cameron Boyce. Ang 20-anyos na artista ay namatay sa kanyang pagtulog noong Sabado pagkatapos sumpungin sa kanyang kasaluku­yang medical condition.

“It is with a profoundly heavy heart that we report that this morning we lost Cameron. He passed away in his sleep due to a seizure which was a result of an ongoing medical condition for which he was being treated,” sinabi ng pamilya ni Boyce.

“The world is now undoubtedly without one of its brightest lights, but his spirit will live on through the kindness and compassion of all who knew and loved him. We are utterly heartbroken and ask for privacy during this immensely difficult time as we grieve the loss of our precious son and brother.”

Kabilang sa mga kasamahang artista na nagpaabot ng kanilang pagdadalamhati ay sina Grayson Dolan at Brent Rivera na kasabayan ni Boyce bilang mga child actor.

Gayundin si Adam Sandler na gumanap bilang tatay niya sa “Grown Ups” and “Grown Ups 2,” na naghandog ng isang ma­kabagbag damdaming tribute sa kanya.
“Too young. Too sweet. Too funny. Just the nicest, more talented, and most decent kid around. Loved that kid. Cared so much about his family. Cared so much about the world. Thank you, Cameron, for all you gave us. So much more was on the way. All our hearts are broken. Thinking of your amazing family and sending our deepest condolences,” tweet ni Adam.

Si Salma Hayek, na gumanap bilang ina niya sa nasabing movie, ay nagbigay rin ng parangal sa kanya. “He was spirited, talented, kind, generous, funny and a shining light. His joy will live in our hearts forever as he goes on dancing and shining elsewhere,” sinulat niya sa kanyang Twitter.

Kinilala rin ng Disney boss na si Robert Iger ang kahusayan ng batang aktor sa kanyang Twitter.

“The Walt Disney Company mourns the loss of Cameron Boyce, who was a friend to so many of us, and filled with so much talent, heart and life, and far too young to die. Our prayers go out to his family and his friends.” (Lourdes Fabian)