Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dagsang imported karne inangalan ng mga poultry raiser

0 83

Dumadaing na ang industriya ng manukan dahil sa dami ng mga imported na karne na inaangkat sa bansa.

Apektado na umano ang mga manukan dito dahil nawawalan na sila ng hanapbuhay at napupunta na lamang ang kita sa mga imported na karne.

“Kasi ‘yong dapat sa atin, tayo magmamanok, dahil ng mga pumapasok na impor­ted. Kaya ‘di ba, apek­tado din talaga. Dahil wala na tayo ditong nabebentang ‘yong para sa atin. Iba na ‘yong ano, nawawalan na ng hanapbuhay ‘yong mga ano dito. Dahil nga pinapasok ng mga imported,” ani Jose Real, isang magsasaka sa Bulacan.

Paglilinaw niya, hindi masamang mag-import ng karne kung kulang ang suplay nito.

Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng manok sa bansa ngunit patuloy pa rin ang pag-angkat natin ng mga imported na karne.

Nauna namang pinunto ni United Broilers and Raisers Association (UBRA) President Attorney Jose Elias na hindi aniya sinusuportahan ng DA ang mga magsasaka ng Pilipinas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.