Abante Tonite Interactive

Dahil sa bebot: Bagong live-in partner at ex nagsaksakan

517

Sugatan ang dalawang lalaki makaraang magpambuno at mag-agawan sa isang patalim dahil lamang sa isang babae kamakalawa sa Pa­say City.

Ayon kay Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, agad na isinugod sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Brix Alcantara, 21-anyos, ng Naic, Cavite nang magtamo ng saksak sa leeg habang sa kaliwang balikat naman ang tinamo ni Rodley Warren Delos Reyes, 26, ng Brgy. 165 Malibay.

Sa report ni Lt. Col. Deanry Francisco ng Assistant Chief of Police for Administration ng Pasay City Police, nagtungo sa bahay ng pamilya Delos Reyes si Alcantara upang dalawin ang 6-anyos na anak na babae sa dati niyang ka-live in na si Rochelle Cabreza, dakong alas-10:00 nang gabi.

Bago umalis, tinangka ni Alcantara na kausapin ang dating kinakasama subalit tumanggi ang ginang na ikinagalit ng la­laki at sinakal ang ina ng kanyang anak.

Tinangkang awatin ni Rosalinda, kapatid ni Rochelle, ang pananakit ni Alcantara subalit na­baling sa kanya ang galit ng huli.

Dito na pumagitna si De Los Reyes subalit inun­dayan siya ng saksak.
Sa kabila ng tinamong sugat, naagaw nito ang patalim at itinarak sa leeg ni Alcantara.

Naawat naman at mabilis na isinugod sa pagamutan ang da­lawa.(Armida Rico)