Abante Tonite Interactive

Dahil sa COVID-19 outbreak: BTS kanselado ang 4 concert

500

Hindi na matutuloy ang nakatakda sanang apat na concert ng South Korean boy band BTS sa Olympic Stadium sa Seoul.

Ayon sa CNBC, orihinal na naka-schedule ang “Map of the Soul” tour shows ng April 11, 12, 18 at 19 sa Olympic Stadium.

Iyon sana ang magsisilbing opening shows ng kanilang world tour pero dahil kanselado na ay sa Santa Clara, California na ito mang­yayari sa April 25, ayon sa Variety.

“Coronavirus o COVID-19 has made it impossible at this time to predict the scale of the outbreak during the dates of the concert in April,” paliwanag ng management ng grupo na Big Hit Entertainment.

Inaasahan nasa 200,000 katao ang manonood ng magkakasunod na show.

Makakatanggap naman ng automatic full refund ang mga nakabili na ng tiket. (Issa Santiago)