Abante Tonite Interactive

Dahil sa pagkakasakit Janella naging cause of delay

By
4,669

SUNOD-SUNOD ang mga naging tweets ni Janella Salvador sa kaniyang Twitter account tungkol sa kaniyang kundisyon. Naging paraan ito ng Kapamilya young actress para bago pa man siguro siya pagbintangan na cause of delay, e, masabi na niya ang dahilan.

Na-reschedule kasi ang Maalaala Mo Kaya episode niya at ang show niya sana sa Isabela. Sa unang tweet nito, sinabi niyang bukod sa pagkakaroon ng rashes, lagnat na 39 degree ay hirap siyang buma­ngon dahil sa sobrang sakit daw ng katawan na nararamdaman niya.

Narito ang sunod-sunod na tweets ni Janella,

Abante Hiring – IT dep

“Good evening, everybody! I think you deserve to know what has been happening these past few days— the reason why our MMK episode was moved to next week & why our show in Isabela (supposedly tomorrow) was moved to May. I’ve been fee­ling sick these past few days and I thought I just caught the flu (all the symptoms were there: cough, colds, body pain, fever) Thursday morning, I woke up with a temperature of 39°c, I had rashes everywhere, and I li­terally couldn’t get up. Everything hurt.

“Thank GOD for the people around me & for the doctors that came over cause I wasn’t strong enough to go to the hospital. They took blood tests from me yesterday and today to monitor my platelet count and unfortunately, it decreased to below ave­rage today. BUT”

Kahapon ng umaga, pumunta na rin daw siya ng hospital at nagpa-check. Ipinost pa ni Janella ang findings sa kaniya.

Aniya, “I finally went to the hospital today (super ready na to get confined for the first time and I was so scared omg) but thank God (again!) cause the dengue test came out negative!!! I do have a viral infection, though.”

Siyempre, nagpakita naman ng concern kay Janella lalo na ang mga fans niya. Halos karamihan, tina-tag ang ka-loveteam and rumored boyfriend niya na si Elmo Magalona na alagaan daw ang young actress.

Busy days para kay Janella at Elmo nga­yon dahil promo na ng Valentine’s movie nila under Regal Films na My Fairy Tail Love Story.

Mark  Anthony,  JM de Guzman pareho ng pinagdaanan

KATULAD ng Instagram post ni Nay Lolit Solis, come to think of it, pareho nga pala halos ng naging situwasyon ang dalawang actor na comebacking ngayon.

Though, sa kanilang dalawa—Mark Anthony Fernandez at JM de Guzman, mas todo na ang pinagdaanan ni Mark dahil sa pagkaka-detain nito sa Pampanga City Jail. Ngayon ay muli itong nagbabalik showbiz through VIVA Films (kahit sabihin pa na may mga nagulat na nakalaya na pala siya).

Si JM naman, dahil din sa drugs na muling­ na-rehabilitate na naman. Tama ang ma­nager/columnist na si Nay Lolit na parehong magaling na actor ang dalawa. Siguro ‘yun din ang pinakamala­king dahilan kung bakit kahit ilang ulit, tinatanggap pa rin sila.

Sa post ni nay Lolit, sinabi niyang, “siyempre meron din medyo mahina kaya nada­dapa, at kung hindi tinutulungan tumayo, paano na, di lalo pang madarapa at baka di na makabangon.”

Ang daming nagwi-wish at umaasa na sa panibagong pagkakataon na ibinibigay ng industriya ngayon kina Mark at JM, sana nga, ito na ‘yun at wala nang balikan pa sa pinagdaanan nila.

Mahirap din sagarin ang mga tumutulong­ at naniniwala pa rin sa kakayahan nila. Baka sa susunod, gustuhin man nila, wala na silang balikan, ‘di ba?

Kim at Xian kinilig sa fan video

NAG-REACT pareho sina Kim Chiu at Xian Lim sa fan video nilang dalawa. Ipinakita sa natu­rang short video ang mga sinabi ni Kim noong nasa loob pa siya ng PBB house sa kung ano ang mga katangian ng la­laking hanap niya.

Ilan sa mga katangiang ito ay chinito at maputi raw ang gusto niya sa lalaki. May caption ang tweet na, Kim’s ideal guy when she was still inside PBB’s house matched Xian’s features whom she haven’t met yet at that time – destiny.

Obviously, masayang ini-acknowledge ni Kim ang naturang fan vid dahil sa tweet niya na itinag pa niya si Xian nang, “hahahha @XianLimm look!!! Iba din!!!”

Nag-reply naman si Xian nang, “Hanap din ako sa akin.” na ang ibig sabihin, hahanap din siya ng fan made na video na sinasabi rin niya noon pa kung ano ang katangian naman ng babae na gusto niya.

Yes, kinilig ang KimXi fans sa palitan ng tweets ng dalawa.