Abante Tonite Interactive

Dahil sa selos! Tomboy tinodas ng kainuman

By
321

Nauwi sa malagim na pagpatay ang inuman ng isang grupo ng kabataan matapos na mauwi sa selosan ang dapat sana ay kasiyahan.

Hawak na ng pulisya ang tatlong katao, dalawa ay menor de edad, na suspek sa pagpatay, pagsako at pagtapon sa 20-anyos na tomboy sa Brgy. Banga, Meycaua­yan City, Bulacan.

Sa report ni Meycauayan City chief P/Supt. Santos Mera, kinilala ang biktimang si Andrea de Guzman, taga-Brgy. Bayugo ng nasabing lungsod, na nagtamo ng saksak sa kanyang dibdib na ikinasawi nito.

Naging daan ang boluntaryong pagsuko sa awtoridad ng suspek na si John Mark Gesero, 18, na nagsilbing look-out sa pagkakasakote sa dalawang menor de edad na suspek isang dalagita at binatilyong kargador sa palengke ng Bocaue.

Naganap ang pagpaslang noong Miyerkoles nang gabi habang nag-iinuman ang biktima at mga suspek sa gilid ng pamilihang-ba­yan ng Bocaue.

Nang malasing, inamin umano ni De Guzman na naging girlfriend nito ang kasintahan ng isa pang suspek na si alyas ‘Jay’.

Dito na sinaksak ni Jay ang biktima at nagpatulong sa tatlo pang kainuman na isako ang katawan nito at ilagay sa food crate saka isinakay sa kanyang kotse at iniwan sa kalsada sa Brgy. Banga.

Tinutugis pa ng pulisya si Jay at kasintahan nito.