Abante Tonite Interactive

Dahlke araro ng 37 pts, PLDT humabol sa Final 4

275

Umahon sa 0-4 pagkakalubog sa deciding fifth set ang PLDT Fibr upang kalusin ang makukulit na Gererika-Ayala Lifesavers 25-15, 25-20, 24-26, 25-27, 15-12 kagabi sa sudden-death game ng Philippine Superliga Grand Prix quarterfinals sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Kumayod si import Kendra Dahlke ng 37 points mula sa 33 attacks at apat na blocks upang akbayan ang ­Power Hitters na hablutin ang natitirang semifinal slot at harapin ang nag-aabang na last year’s runner-up F2 Logistics Cargo Movers.

Bukod kay Dahlke, nagpakitang gilas din si reinforcement Grace Lazard at locals Grethcel Soltones at setter Jasmine Nabor para sa Power Hitters.
Tumikada si Lazard ng 25 puntos kasama ang17 kills at pitong blocks para sa PLDT.

Sinagasaan ang unang­ dalawang sets, may pagkakataon sanang walisin ng PLDT ang Generika-Ayala matapos humataw ng apat na sunod na puntos at agawin ang unahan, 10-9 sa third set. (Elech Dawa)