Abante Tonite Interactive

Dahon ng bayabas, pampakinis?

377

Matigas pero malutong kaya ko nagustuhan ang ­bayabas. Paborito ko itong inihahalo bilang pampaasim sa sinigang. Kaya kapag ‘yan ang ulam, siguradong mapaparami ako ng kain.

Pero lingid sa ­kaalaman ng marami, hindi lang ­mayaman sa Vitamins A, C at ­potassium ang bayabas – ­marami rin itong ­mineral contents gaya ng copper, magnesium at manganese.

Maging ang dahon ng bayabas, marami rin palang benepisyo.

Bukod sa nakaugaliang paglaga sa dahon ng bayabas na ginagamit na panglanggas sa mga batang lalaki na bagong tuli, gamot din pala ang guava leaves sa mga sakit sa balat.

Kaya goodbye na sa dark spots, wrinkles, acne at blemishes. Dahil ­all-natural, epektibo at mura ito bilang skincare solution.

Kung ano-anong sabon at ­pampaputi na ba ang ginamit mo, pero ‘di pa rin nawawala ang dark spots sa balat mo? Subukan ang guava leaves paste. ­Sinasabing nakatutulong itong i-lighten ang dark spots. Ipahid lang ang paste sa ­affected areas, iwan nang mula 10 hanggang 15 minuto saka banlawan nang maligamgam na tubig. Araw-araw itong gawin para makita ang resulta.

May antioxidant proper­ties din ang dahon ng ­bayabas kaya isa itong mabisang paraan para ­maiwasan ang kulubot sa balat. Ika nga, excellent way ito para ­labanan ang ­premature aging. May ­lycopene rin ang ­guava leaves kaya pinoprotektahan nito ang balat laban sa UV rays.

Sa mga may acne, ­subukan din ang dahon ng bayabas. May anti-inflammatory properties din ito na panlaban sa bacteria. Ang dapat lang gawin, i-mash ang guava leaves hanggang sa maging paste at saka i-apply sa affected areas. Mabisang gamot din daw ang dahon ng bayabas sa skin irritation at allergies.

Mabisang panlaban din daw ang dahon ng bayabas sa blackheads. Haluan lang ng distilled water ang mashed guava leaves, saka ito i-apply sa ilong at T-zone kung saan madalas maraming blackheads. Mainam na gawin ito araw-araw para mas maging epektibo.

Dagdag-kaalaman lang ang impormasyong ito kaugnay sa dahon ng bayabas. Hindi nito layong palitan ang gamot na ­bigay ng iyong doktor. Ang sa akin lang, mahalaga pa ring komunsulta sa mga medical ­expert para makasiguro.