Abante Tonite Interactive

Dahon ng saging pambalot sa Bicol supermarket

410

Sa panahong ito ng pandaigdigang pagbabago ng klima, isang lokal na supermarket sa rehiyon ng Bicol ang nagsimulang gumamit ng dahon ng saging bilang pambalot.

Ang LCC Supermarket ay naglilingkod sa Bicolanos mula noong 1945. Nagsimula ito bilang isang tindahan ng tela, naging isang supermarket at nagkaroon ito ng sari­ling department store.

Kasunod ng eco-friendly trend mula sa Thailand at Vietnam, ang LCC sa Albay ay nagsimulang gumamit ng mga dahon ng saging at straw bilang mga pambalot ng gulay sa halip na gumamit ng mga plastik.

Abante Hiring – IT dep

Ginawa ng LCC ang pla­nong ito dahil naniniwala sila na ang kilusang ito ay makakatulong sa panga­ngalaga ng kapaligiran. Pa­tuloy pa ring naghahanap ito ng mga paraan upang mapabuti ang kanilang serbisyo.

Bukod sa paggamit ng mga dahon ng saging bilang packaging, inalis na rin ng LCC supermarket ang matagal nilang gamit na mga plastic bag sa kanilang mga checkout counter at pinalitan na ito ng ecobags.

Ang supermarket ay patuloy na naghahanap ng mga programa na nagtataguyod sa pangangalaga ng kapaligiran upang suportahan ang adbokasiyang ito. (Mina Aquino)