Abante Tonite Interactive

Daiana mas pusong Pinay kesa Brazilian

674

Special guest si Daiana Menezes sa online show namin nina Rodel Fernando at Mildred Bacud na Showbiz Pamore Tonite. Masayang ikinuwento niya sa amin na ang kapatid niyang babae ay magpupunta na rin sa Pinas, na gaya niya ay dito na rin maninirahan.

Sabi niya, “My sister is moving from Brazil to the Philippines for the first time. And she wants to live in the Philippines. So I’m looking a place for her in Makati. Kasi ang ano ko…I want her to feel the Philippines the way I felt, the first time I came here.”

Pero ang una raw talagang plano ng pamilya nila ay sa America patirahin ang kanyang kapatid.

Abante Hiring – IT dep

“Ang plano ng family ko, is to send her in the states to learn how to speak English. Because kahit ako, nu’ng pumunta ako rito, hindi pa ako marunong mag-English. In our country kasi, they don’t teach us how to speak English. So if you go there, you need a local with you.

“So, sabi ko sa kanya (kapatid na babae), kung US, dito na lang, at least nandito ako. Umoo naman siya. Sabi niya, gusto kong tumira sa Makati. “Paano mo nalaman ‘yung Makati? “Ginoogle ko!” natatawang kuwento pa ni Daiana.
Ano ba ang magandang nakita niya sa Pi-lipinas at ayaw niya nang umalis dito?

“Bukod sa mga lalaki, I really love the ugali at values ng mga Filipinos,” natata-wang sagot niya.

Dugtong niya, “To the point na, my mom, she tells me, ‘Huh, mas Pilipino ka pa kesa Brazilian!’ Because I’m very in love with how Filipinos deal with their families. Even like men are gentlemen to their moms, to their girlfriends, mga ganoon. Lahat ng mga good traits ng mga Filipinos, I look up to it.”

 

Sasabak sa pagkanta

Masaya ring ibinalita ni Daiana na may lalabas siyang single.

“Me and another fo­reigner, who also loves the Philippines, her name is Maria, she composed a Tagalog song for me, and we’re going to launch it very soon.”

Sa ngayon ay napapanood si Daiana bilang host sa ‘Super Sabong’ sa cable, sa Pinoy Extreme Channel.

“It’s been 4 years na. Three times a week ‘yun. But I don’t really go sa sabungan. Sa studio lang ako.”
Bukod sa pagiging artista at host, isa na ring vlogger si Daiana ngayon.

“Na-launch na siya (kanyang vlog) kanina. It’s more of lifestyle lang. I will show them tips, how to be foreigner in the Philippines, how to love the Philippines. ‘Yung mga downside, what you should do, ‘pag ma-encounter mo ‘yung mga ganyan.”

 

Sa ‘Eat Bulaga’ nagsimula

Naging co-host dati ng Eat Bulaga si Daiana. Ipinaliwanag niya kung bakit nag-decide siyang iwan ito kahit na maganda ang exposure niya rito.

“I guess everyone gets in to a point, where in their lives, they wanna do something different. I think that was what happened to me. After I resigned (sa EB I went to New York, to study, for New York Film Academy. Siyempre, experience rin ‘yun.

“Whatever fame I have, my name, exposure, I owe it to Eat Bulaga.”

Aminado naman si Daiana na dumating sa puntong na-miss niya ang nasabing noontime show ng GMA 7 at ang mga kasamahan niya rito.

“Of course nakaka-miss ‘yung mga kasamahan ko sa Eat Bulaga. Nu’ng umalis ako, nu’ng nag-aral nga muna ako, tapos bumalik ako rito, sabi ko, something is missing. ‘Yun pala, ‘yung everyday ko na routine, na nasa Eat Bulaga ako. Pero nasanay na rin ako.. .move on kasi, desisyon ko ‘yun,” lahad pa niya.