Abante Tonite Interactive

Daiana primera klase ang kariktan

671

By Rey Pumaloy

Iba rin naman itong Brazi- lian beauty na si Daiana Menezes.

Kung ganda rin lang naman ng katawan ang pag-uusapan, namumukod tangi siya sa mga modelong Brasiliana na narito sa ‘Pinas.

Mula noong una siyang mapanood sa mundo ng telebisyon, nabihag na niya ang puso ng mga Pinoy. Charming kasi ang kanyang personalidad.

Sa totoo lang, kahit madalas magpakita ng kanyang hubad na katawan suot ang isang skimpy o sexy two piece bikini wear, wala pa ring bahid ng kalaswaan ang alindog nito. Primer­a klase kasi ang kanyang alindog.

Totoo naman tala­gang hindi lang maganda kundi pamatay ang pigura ni Daiana.

Ang pagiging barok niya sa Tagalog ang isa sa mga minahal sa kanya ng sambayanang Pilipino, na kahit siguro magsuot siya ng pinakamaiksing damit, hindi maloloka sa kanya ang mga manang sa probinsya.

Wala rin naman kasing ginawang malasado sa kapwa si Daiana. Hindi siya nasangkot sa kahit na anong maseselang isyu.

Lagi pa niyang i­pinagmamala-k­i na kahit isa siyang Brazilia­n, ang puso niya ay isang Pilipino.

Ka­ya nga nauso ang hashtag na “BraziPinay” o “BraziPilipina” dahil sa kanya.

Minsan nang nasubok ang pagi-ging mapagmahal nito nang magkaroon siya ng isang politician-husband, pero hindi ito nagtagumpay dahil sa mga issue.
Pero lagi niyang sinasabi, kung meron siyang gustong makasama sa habambuhay, gusto niya ay isang Pinoy.