Abante Tonite Interactive

‘Daisy’ sumabit sa biyudong paldo

0 490

KAPITBAHAY MO,I-BLIND ITEM MO

Magandang morning, afternoon, evening sa inyong lahat.

Maki-join na rin po ako sa tsismisan dito sa Kapitbahay Mo, I-blind item mo. Ako po si Joey from Mexico, Pampanga. Ang tsismis ko po ay tungkol sa kapitbahay kong si Michelle, 19, na nakapag-asawa ng isang biyudong matanda pero rich siya. Paanong nangyari? Ganito po ang kuwento. ‘Yung mama ni Michele, si aling Pearl, kaibigan niya si Mr. Rivera, matagal na itong biyudo, 60, na at wala itong anak sa una niyang asawa na namatay sa kanser.

One time kasi, nagpunta si aling Pearl sa bahay ni Mr. Rivera para ipagluto siya ng sisig at lengua. That time kasama ni Pearl si Michelle, katu­long-tulong niya sa pagluto. Habang nagluluto, naispatan ni Mr. Rivera si Michelle, titig nang titig. Mukhang natipuhan kasi nga naman, maganda si Michelle, morena tapos sexy malaki puwet. Maumbok ika nga.

Mula noong lagi na lang pinapapunta ni Mr. Rivera si Pearl para ipagluto ng kung ano-ano. Mahusay kasing magluto si aling Pearl. Tapos siyempre lagi raw pinapasama si Michelle sa bahay niya. Tutal wala naman daw pala, wala itong trabaho pa sa kasalukuyan.

Hindi nagtagal, kinausap ni Mr. Rivera si Pearl at sinabi ang intensiyon niya sa anak niyang si Michelle. Nabigla si Pearl at ‘di agad naka-oo sa kanya. Pero sasabihin daw niya at pag-iisipan din niya. Sinabi naman ni Pearl kay Michelle ang intensiyon. Ayaw ni Michelle dahil nga matanda na iyon. Pero itong nanay niya gusto siyang ipapakasal kasi nga, dapat raw praktikal na ngayon. Kesa naman makapag-asawa siya ng walang kuwentang lalaki. Sa madalas na pagtutulak ni aling Pearl, ayun napa-oo rin si Michelle. At ang alam ko next week na nakatakda ang kasal at magiging bonggga raw ang handaan. Lupit. Pero ang mga kapitbahay naming tsismosa, ayun ipinagkakalat na pinakasalan lang daw ni Michelle dahil sa pagtutulak ng mukhang perang nanay niya. Hahaha!

Joey from Pampanga