Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dakdak ni LeBron panis kay Sotto

0 250

Dahil tagahanga ni `The King’ LeBron James si Pinoy NBA prospect Kai Sotto, ginaya din at tinapatan ng 18-anyos na basketbolista ang highlight dunk ng idolo.

Sa Instagram story ni Kai ay makikitang ginawa din nito at sinisiw ang signature ‘tomahawk’ dunk ni Los Angeles Lakers veteran LeBron.

“Just having fun with it with the LBJ slam,” saad ni dating Ateneo star Sotto.

Sa ngayon ay babad sa hard court si 7-foot-2 center Kai upang lalo pang tumikas at makapagsabayan sa haharaping laban.

Kamakailan kasi ay naudlot ang tsansa nitong ipamalas ang kanyang karakas at ipakilala ang sarili sa mundo matapos makansela ang NBA G-League dulot ng pandemic outbreak. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.