Abante Tonite Interactive

‘Dakotang’ basketbolista pinagtalunan ng 2 mahadera

1,154

Pinag-aawayan ng dalawang mahadera na madalas madinig ang boses sa mga laro sa propesyonal na liga sa kanilang kuwentuhan ang guwapo at matangkad na player.

Hindi makapaniwala ang isa sa ikinukuwento ng kabaro at kapwa nito mahadera na ang ­mestisuhing manlalaro ay sadyang kakaiba ang itinatagong “ibon.”
Ibinibida ng mahadera na nagpunta siya sa ensayo ng koponan ng mestisuhing player at napasabay siya mismo sa pagpunta sa comfort room sa guwapong basketbolista.

Dahil nasa kanya ang pagkakataon, hindi napigilan ang mahadera na silipin ang hawak na “ibon” ni player.

Abante Hiring – IT dep

Namumutla paglabas ang mahadera dahil sa kanyang nakita kay player.

“Tender Juicy, Foot Long ba o Bologna?” agad na tanong ng kanyang sabik na sabik na kabaro sa mahadera kung ano ang kanyang nakita kay player.
Hindi kaagad nakasagot ang mahadera pero noong nahimasmasan na at nagbalik ang kulay sa pagkagulat ay saka lang nito ikinuwento ang kakaibang “ibon” ni player.

“Ano ka ba?” sabi ng mahadera. “German Cut!!!” (Lito Oredo)