Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalaga, 4 pa tiklo sa P3M shabu

0 411

Humigit-kulang sa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa limang miyembro ng isang drug syndicate kabilang ang isang dalaga matapos maaresto sa buy-bust operation ng puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Huwebes sa Barangay Sto. Domingo 1st, Capas, Tarlac.

Nakilala ang suspek na sina Romulo Unayan La Jr., 27, may-asawa, ng Bacoor, Cavite; Nasruden Mumamayo Masulot, 30, binata; Fahad Imbrahim Kasan, 35; Virgilio Martin Gutierrez, 27, may-asawa at Corazon Midtimbang Sayadi, 37, dalaga, pawang taga-Taguig City.

Ayon kay Christian Frivaldo, Central Luzon PDEA director, ginawa ang entrapment operation laban sa grupo sa isang parke sa nasabing lugar alas-5 ng hapon.

Hindi na pumalag ang mga suspek nang paikutan sila ng pulisya matapos tanggapin ang marked money mula sa undercover agent ng PDEA kapalit ang plastic sachet na shabu.

Matapos arestuhin nasamsam sa grupo ang isang malaking resealable plastic bag na naglalaman ng humigit-kumulang kumulang sa kalahating kilo ng shabu na may street value na umabot sa P3.4 milyon.

Napagalaman na ang grupo ay kabilang sa isang Muslim drug syndicate na may operasyon sa Metro Manila at Central Luzon. (Rudy Abular)

Leave A Reply

Your email address will not be published.