Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalaga, 8 taon sex slave ng stepdad

0 506

BULACAN – Arestado ang isang amain nang gawin nitong sex slave sa loob ng 8-taon ang 18-anyos na step-daughter sa tuwing wala ang ina sa Barangay Sta. Cruz, Angat,Bulacan noong Miyerkules.

Ayon kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, Bulacan police director, ang 48-anyos na suspek ay nakakulong na ngayon makaraang magdesisyon ang 18-anyos na nito ngayong anak-anakan na magreklamo sa womens desk ng Angat police station.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base sa report ni P/Major Michael Santos, Chief of Police ng Angat PNP, huling naganap ang panggagahasa noong Nob. 25, habang naliligo ang biktima.

Dahil hindi na masikmura ang ginagawa ng stepfather ay nakitulog muna ang biktima sa bahay ng kaibigang babae ngunit sinundan ito doon ng suspek at hinahanap kaya dito na siya nagdesisyong humingi ng tulong sa pulisya. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.