Abante Tonite Interactive

Dalaga binaril sa leeg, ulo

0 296

Patay ang isang dalaga matapos barilin sa ulo at leeg sa loob ng tinutuluyang barong-barong kamaka­lawa ng gabi sa Baseco Compound Port Area, Maynila.

Kinilala ni PMSg. Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District-homicide section ang biktimang si Aileen Celis, ng 081 Blk. 1 Aplaya, Baseco Compound, Port Area.

Nakatakas naman ang ‘di nakikilalang gunman na armado ng ‘di matukoy na baril.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-9:05 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima.

Anggulo sa droga ang sinisilip ngayon ng pulisya sa pagpaslang.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek. (Juliet de Loza-Cudia)