Abante Tonite Interactive

Dalaga, dyowang tibo nahulihan ng 6M droga

236

Anim na milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang babaeng mag-partner na naaresto sa isang buy-bust operation sa Rosario, Cavite.

Kasong paglabag sa Sec. 5, 26 at 11 ng Article II ng RA 9165 ang isinampa laban sa suspek na si Paula Noah alyas ‘Ate’, 39, dalaga, at live-in partner nito na si Dolores Santos, 44, dalaga, kapwa taga-residente ng Lancaste Subd., Imus City, Cavite.

Sa ulat ni PSSg. Ellezer Tagalog, ng Rosario Municipal Police Station (MPS), alas-10:45 ng gabi nang maaresto ang magdyowa nang magsagawa ng buy-bust operation sa Brgy. Tejeros Convention, Rosario ng naturang bayan ng mga elemento ng Station Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni Police Maj. Joewei Lucas, hepe ng Rosario MPS.

Nauna dito, nakipagtransaksiyon ang mga suspek sa isang babaeng pouser buyer sa P10,000 halaga ng hinihinalang shabu kung saan kinuha pa ito sa loob ng kanilang Aluminum Jade Mettalic na Toyota Vios na may plakang NBE 2355 na nakaparada sa ‘di kalayuan sa lugar.

Matapos ang transaksiyon ay naaresto ang mga suspek at nang inspeksiyunin ang kanilang sasakyan ay narekober ang tinatayang 1,000 gramo ng hinihinalang shabu. (Gene Adsuara)