Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalaga hataw sa motor, dedbol

0 81

PATAY ang isang estudyanteng dalaga matapos umanong humataw sa pagmomotorsiklo at sumalpok sa Ford Ranger pick-up sa national highway ng Barangay Alipangpang, Pozorrubio, Pangasinan, Huwebes ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Vanessa Dadila, 20, senior high school, ng Barangay Alipangpang.

Ang suspek naman ay si Alfredo B. Tabayoyong, 67, ng Block 11, Lot 19, Marville Homes Suvbd., Tuba, Benguet.

Sa report ng Pozorrubio Police Station (PPS), naganap ang insidente alas-11:48 ng gabi.

Ayon sa pulisya, nagmamaeho umano si Tabayoyong gamit ang kanyang Ford Ranger na may plakang YAA-2959, nang biglang sumulpot ang biktima kasama ang backride na si Jay-Ar F. Ritualo, 29.

Sa kanilang pagsalubong, humataw ang motorsiklo at tumama sa gilid ng pick-up van.

Sa lakas ng pagkakahataw nagtamo si Dadila ng malalalim na sugat sa ulo at katawan sanhi ng kanyang kamatayn habang nasa ospital naman si Ritualo.

Tumakas naman ang suspek at iniwan ang kanyang sasakyan. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.