Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalaga kinatay sa Dasma

0 100

PINAGHAHANAP ng Cavite Police ang isang caretaker sa isang bakanteng lote na suspek sa pagpatay sa isang dalaga sa Dasmarinas City Cavite Sabado ng umaga.

Kinilala ang suspek na si June Solanoy, nasa wastong edad, caretaker sa lote sa Riverside, Brgy Salitran 2, Dasmarinas City, Cavite at itinurong pumatay kay Jessica Cabrera, 52, canteen service crew.

Sa ulat ni Pat. Jayson Raquel ng Dasmarinas City Police Station, ika-5:00 kahapon ng umaga nang naganap ang insidente sa Aguinaldo Highway.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagtalo umano ang biktima at suspek hanggang sa pagsasaksakin ang biktima na ikinasawi nito.

Matapos ang pananaksak ay tumakas ang suspek sa Imus City dala ang ginamit na patalim.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa pagpatay. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.