Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalaga minanyak sa bar

0 90

Himas rehas ang magkaibigang lalaki nang tangkaing gahasain ang isang saleslady sa loob ng KTV Bar sa Cubao, Quezon City, Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang naarestong sina Julito Sulay, 18, at Jose Grino, 23, kapwa taga-Cubao.

Sa ulat ni Police Lt. Col. Joseph Almaquer, ng Cubao Police Office kay Quezon City Police District District Director Brig. Gen. Remus Medina, naganap ang insidente alas-2:30 ng madaling araw nitong Linggo sa KTV Bar sa P. A. Bernardo kanto ng Edsa sa Cubao.

Nag-CR ang dalagang biktima nang pasukin ni Sulay sa banyo habang nagsilbing lookout si Grino.

SM food to go Banner Ad

Nagawa namang manlaban ng biktima kay Sulay dahilan upang marinig ng mga tao sa loob ng KTV Bar.

Sumaklolo ang isang Philip Pinlac at puwersahang sinipa ang banyo.

Pinagtulungan naman ng dalawang suspek si Pinlac bago mabilis na tumakas na nabitin sa panghahalay sa dalaga.

Sa follow up operation ay nadakip ang mga suspek. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.