Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalaga nadale ng online seller sa Shopee

0 74

Dapat umanong panagutin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga tusong online seller na hindi nagre-refund o nagpapalit sa mga biniling depektibong produkto sa kanilang mga buyer.

Ito ang suhestyon ni Ms. Loriely L. Barcala, residente ng Barangay Gen. T. De Leon, Valenzuela City, matapos na mabiktima umano ng isang online seller.

Sa kuwento sa Abante Tonite ni Barcala, umorder siya online ng Live Streaming Broadcast Microphone noong Setyembre 20, 2021 na nagkakahalaga ng P740.00.

Dumating ang kanyang order na may serial number 261-144101 noong Setyembre 25 matapos na ideliber ng J&T Express.

Subalit nang gamitin na umano ang mikropono ay hindi ito gumagana kaya nagpasya ang dalaga na tawagan at i-text ang Shopee app kung saan nakasaad ang pangalan na @kyla ong, para palitan ang depektibong produkto pero hindi umano ito nagre-reply.

“Sa part ng J&T Express wala naman silang liability kundi `yong seller na si Kyla Ong, for pick-up lang sila para sa delivery. Sana maging responsable naman `yong mga online seller kasi kawawa kaming mga buyer kahit pa sabihin natin na more than P700 lang ang involve para sa aming mahihirap malaking halaga ‘yon,” ani Loriely.

Umaasa siya na sana mabigyan umano ito ng atensiyon ni Kyla Ong na mapalitan ang kanyang binili na nakatengga lang ngayon sa kanilang bahay at hindi nagagamit. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.