Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalaga nag-shoplift ng pampabyuti

0 100

Arestado ang isang 29 anyos na dalaga matapos mang-umit ng mga beauty products na nagkakahalagang P4,167 sa isang mall sa Manila kamakalawa ng gabi.

Itinurn-over sa Manila Police District-Police Station 5, ang suspek na si Marissa Lopez, ng Sta. Maria, Bulacan.

Alas-6:30 ng gabi nang pumasok sa mall ang suspek at nagpanggap na customer.

Isinilid umano ng suspek ang mga inumit niyang pampabyuti sa kanyang bag.

Lingid dito’y naispatan siya ng securiry guard kaya paglabas ng establisimiyento ay hinanapan ng resibo.

Nang walang maipakita ay binitbit sa security office bago dinala sa istasyon ng pulisya. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.