Abante Tonite Interactive

Dalaga nagbenta ng P68K shabu dakma

300

Nadakma ang isang dalagang service crew ng isang kilalang supermarket nang makumpiskahan ng P68,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Quezon City nitong Martes nang umaga.

Ang suspek ay si Chloei Viray, 33-anyos, tubong Rizal province na nakatira sa 3492 Varona St., Brgy. Tejeros, Makati City.

Si Viray ay dinakma alas-6:30 nang umaga kahapon sa tapat ng pinapasukang Supermarket sa P. Tuazon, Project 4, Quezon City.

Ayon kay PEMS Edgardo Sanchez, OIC-Chief ng Station Drug Enforcement Unit ng QCPD-Station 4, isang impormante ang nagsumbong hinggil sa sideline na pagbebenta ng droga ng dalaga.

Isang undercover agent ng PNP na nagkunwaring bibili ng droga at habang nasa aktuwal ng bentahan ng shabu ay agad pinosasan ang nasorpresang dalaga.(Dolly Cabreza)