Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalaga natagpuang bangkay sa tabi ng ilog

0 69

Pagkalunod ang nakikitang dahilan ng Cebu Police matapos matagpuang patay ang isang dalaga, Sabado ng umaga sa Cotcot River, Purok Ipil-ipil, Barangay Estaca, Compostela.

ng may diperensya sa pag-iisip

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinilala ni PCaptain Vincent Zozobrado, hepe ng Compostela Police Station ang biktima na si Rossel Antogop Estrada, 44-anyos, residente ng Purok Ipil-Ipil, Barangay Estaca.

Natagpuan ang bangkay ng biktima alas-6:00 Sabado ng umaga sa tabi ng Cotcot River kung saan positibo itong kinilala ng ilan niyang kalugar.

Walang nakitang mga sugat sa katawan o walang posibilidad ng foul play sa pagkamatay ng biktima, sinasabing may mental health problem. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.