Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalaga ninakawan na, tinodas pa

0 78

Dead on arrival sa pagamutan ang isang 26-anyos na babae matapos pagsasaksakin ng magnanakaw na sapilitang pumasok sa inuupahang apartment ng biktima at tinangkang manlaban sa suspek na agad namang naaresto kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Agad na nasakote ang suspek na si Jerome Tayubong, 27, taga-149-D 11th Avenue Dormitory, Brgy. 90 habang nakilala ang biktima na si Cristina Hipolito, 26, dalaga, matapos magtamo ng mga saksak sa katawan.

Sa imbestigasyon ng Caloocan Police, nag-iisa ang biktima sa loob ng kanyang inuupahang kuwarto sa 104 F. Roxas St. 11th Avenue, Brgy. 68, nang sapilitang pasukin ng suspek alas-6:30 Biyernes ng gabi saka tinutukan ng patalim.

Hinalughog ng suspek ang mga gamit ni Hipolito, kabilang ang tatlong cellphones at sari-saring IDs. Nang tatakas na ito ay nanlaban ang biktima kaya pinagsasaksak ito.

Napansin ng caretaker ng apartment ang kaguluhan kaya agad itong nagpasaklolo

sa mga barangay tanod na si Wilbert Hilario at Manny Corpus na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkakabawi sa ninakaw nito.

Isinugod naman ang biktima sa Caloocan City Medical Center ngunit di na umabot ng buhay. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.