Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalaga patay sa motorsiklo ng lasing

0 354

Patay ang isang dalaga matapos masagasaan ng motorsiklong minamaneho ng isang lasing na lalaki sa Lopez, Quezon noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Leni Roxas Lotino, 18, taga Villa Aurora, Lopez.

Batay sa report ng Lopez police, naglalakad ang biktima sa Lopez-Buenavista road nang mahagip ito ng motorsiklong minamaneho ng 23-anyos na si Ruel Dayo Permejo.

Nagtamo ito ng mga pinsala sa ibat-ibang bahagi ng katawan at binawian ng buhay habang isinusugod sa Magsaysay Memorial District Hospital.

Naaresto naman ng mga pulis ang suspek.

Nakainom umano ito ng mangyari ang insidente. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.